Maging responsableng fur parent. Ipabakuna ang inyong mga aso at pusa.
Patuloy na hinihikayat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sarangani ang lahat na protektahan ang inyong mga alagang aso at pusa laban sa rabies sa pamamagitan ng pagbabakuna.
Ang pagdiriwang ng Rabies Awareness Month ngayong taon ay batay sa temang "Rabies-free na pusa't aso, kaligtasan ng pamilyang Pilipino" at sa layunin ng Republic Act No. 9482 (Anti-rabies Act of 2007), na naglalayong protektahan at itaguyod ang karapatang pangkalusugan ng mga tao sa pamamagitan ng iba't ibang aktibidad sa pagkontrol, pag-iwas sa pagkalat, at tuluyang pagpuksa sa rabies ng hayop at tao.
Mag-avail na ng libreng pagbabakuna sa Office of the Agriculturist sa inyong lugar.